@balitaphl: Inanunsyo ng grupong BAYAN o Bagong Alyansang Makabayan na sila ay magsasagawa ng isang kilos-protesta kaugnay sa pagdating ni United States (US) President Donald Trump sa Pilipinas para sa 49th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit and Related Summits. Sa isang anunsyong mababasa sa kanilang Facebook page nitong Linggo, Nobyembre 15, makikitang raratsada ang protesta sa darating na Martes, Nobyembre 17 hanggang Miyerkules, Nobyembre 18. Para sa Martes, magsisimula ang protesta dakong 2:00 ng hapon, kung saan magmamartsa sila mula Liwasang Bonifacio patungong Philippine International Convention Center (PICC). Sa Miyerkules naman, magsisimula ang protesta dakong 9:00 ng umaga, kung saan sisimulan ang martsa sa Liwasang Bonifacio papuntang Mendiola. “Magkita-kita tayo! Salubungin ng protesta ang pagdating ng numero unong imperyalista! #ASEAN2026 #ASEAN2026PH #RejectPaxSilica,” mababasa pa sa anunsyo ng BAYAN. #Balita #BAYAN @Manila Bulletin

Balita
Balita
Open In TikTok:
Region: PH
Sunday 15 November 2026 07:30:00 GMT
1615
40
3
2

Music

Download

Comments

urworstnightmare4484
Tamz :
yung mga magnanakaw ngang bangag sa pinas hindi nila mapatalsik, c trump pa kaya😂😂😂 comedy lang😂😂😂😂
2026-11-15 08:43:37
0
enon2724
enon :
Wag muna sana
2026-11-15 07:33:42
0
chiniita_777
belle :
kailan naman yun kay vp out
2026-11-15 09:31:26
0
To see more videos from user @balitaphl, please go to the Tikwm homepage.

Other Videos


About