@ellababe003: Last Sunday, nag punta kami sa Kampuhan kasama ang iba pang volunteers. Yung iba sa amin, matagal ng nakikipag participate sa iba’t-ibang protesta, yung iba naman kagaya ko, first time pa lang. Doon, nakita namin firsthand ang sitwasyon ng mga kasama natin sa Kampuhan, kung saan sila natutulog, paano nila nilalaan ang oras at lakas nila sa paggawa ng mga placards and banners, paano sila mag plano kung sakaling may mangyaring hindi inaasahan sa gaganaping protesta, paano mag tulong-tulong ang bawat isa mag ka kilala man o hindi. Na experience din namin sumama sa protesta sa Katipunan. Habang nag lalakad kami pa labas ng Vinzon Hall, ibat’t-ibang sigaw ang maririnig mo. At habang nag lalakad, nasabi ko na lang sa katabi ko, “now I know bakit laging paos si Angel.” Mas naintindihan ko kung bakit sa tuwong nasa Komyu, madalas syang paos. Kung bakit palagi syang emosyonal tuwong nag sasalita sa harapan. And mas na gets ko yung fire nya to fight for our Katutubong Ayta (salamat sa buhay mo Angel, happy birthday!). Because behind every shout and every tear, there’s a story and a struggle that words alone can’t fully explain. Hindi madali ang sitwasyon ng mga taog patuloy na lumalaban para maituwid ang bulok na sistema. Dugo at pawis na ang binibigay nila, pero patuloy pa ring bulag at bingi ang mga taong nasa puwesto!! Ilang beses pa ba nila dapat isigaw ang kanilang hinaing bago sila pakinggan? Ilang sakripisyo pa ba ang kailangang gawin bago kilalanin ang kanilang mga karapatan?! May isa akong batang Ayta na nakasama ko na rin sa Komyu na tinanong ko, “kunusta ka naman?” Sagot nya, “ok naman ate, masaya naman. Nakakapagod pero masaya.” Simple lang yung sagot nya, pero tumatak sa akin yung malaking ngito nya habang sinasabi yon. Sa kabila ng pagod, hirap at kawalan ng kasiguraduhan sa arw-araw, nakakahanap pa din sila ng dahilan para maging masaya at mag pa tuloy. At salamat sa ating mga volunteers na kasama ng ating mga katutubo na lumalaban, malaki kayong bahagi para sa kanila, para malaman nila na may mga taong handang makinig, sumuporta at lumaban kasabay nila. Nakakapagod ang mga nangyari nung Sunday. Natulog akong umiiyak, gumising ng masakit ang ulo at katawan. Pero habang na iisip ko ang mga taong nasa Kampuhan, ang mga katutubong lumuwas pa para patuloy na ipaglaban ang kanilang karapatan, at ang mga kasama nating tumitindig at hindi sumusuko sa kabila ng lahat, napaiaip ako: ano ba naman ang pagod na nararamdaman nagin kumpara sa araw-araw nilang pinag dadaanan!? Hindi dapat matapos sa pakikiramay ang suporta natin. Hindi sapat na maawa lang tayo sa sitwasyon. Kailangan natin makinig, umunawa, makiisa at patuloy na ipag laban lasama nila ang mga bagay na matagal na nilang ipinaglalaban para sa kanilang lupang ninuno, sarili at sa susunod na henerasyon. Sana, mas marami pang magkaroon ng pagkakataon makita, maintindihan at makiisa sa laban na to! Sahol hindi lang dapat sila ang napapagod sumigaw para marinig!! 💪🏾💪🏾💪🏾 #NoToPaxSilica #RejectPaxSilica #TrumpOut #RespectAncestralDomain #BBMResign
ELLABABE ❤️
Region: PH
Monday 16 November 2026 18:07:00 GMT
Music
Download
Comments
There are no more comments for this video.
To see more videos from user @ellababe003, please go to the Tikwm
homepage.