@saristoryofficial: Hinimok ni Melania Trump, Unang Ginang ng Estados Unidos, ang mga asawa ng mga pinunong dumalo sa pagpupulong ng ASEAN sa Maynila na gamitin nang wasto at estratehiko ang teknolohiya upang suportahan ang pag-unlad ng mga bata habang pinoprotektahan sila laban sa mga panganib sa internet. Sa isang bidyong mensahe nitong Lunes, Nobyembre 16, ibinahagi ni Trump ang kaniyang pahayag sa isang pagtitipong isinagawa kasabay ng ika-49 na ASEAN Summit. Bahagi ang pagtitipon ng serye ng mga panrehiyong gawain sa ilalim ng Fostering the Future Together Global Coalition, isang inisyatibang inilunsad ng Unang Ginang ng Estados Unidos. #SariStoryNews #MelaniaTrump #ASEAN #Bata #Teknolohiya