@balitaphl: Hindi umano nababahala si United States (US) President Donald Trump hinggil sa nagaganap na tensyon sa West Philippine Sea (WPS). Tugon ito ni Trump matapos tanungin kung gaano sila kahanda sakaling maipatupad ang Mutual Defense Treaty (MDT) sa pagitan ng Amerika at ng Pilipinas. “I’m not concerned at all. I’m not concerned about that at all,” saad ni Trump sa pakikipagpulong niya kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa Palasyo nitong Miyerkules, Nobyembre 18. “That’ll be taken care of,” dagdag pa ng US president. Sa parehong pagpupulong, kinumpirma rin ni PBBM na hindi bahagi ng kasalukuyang pagbisita ni Trump sa Pilipinas ang paglagda sa Pax Silica agreement. Tahasan ding sinabi ni United States Ambassador to the Philippines Lee Lipton na walang lagdaan patungkol sa Pax Silica. Kaugnay nito, matatandaang ikinasa noong mga nagdaang araw ang “The Manila Dialogue on the South China Sea,” kung saan nagpulong ang iba’t ibang eksperto mula sa Asya, Europa, at Amerika upang talakayin ang proteksyon sa critical maritime infrastructure, gayundin ang tumataas na tensyon sa nasabing katubigan. Dinaluhan ito ni Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson to the WPS Jay Tarriela. #Balita #DonaldTrump #WestPhilippineSea #WPS #Philippines @Manila Bulletin
Balita
Region: PH
Wednesday 18 November 2026 12:30:00 GMT
Music
Download
Comments
There are no more comments for this video.
To see more videos from user @balitaphl, please go to the Tikwm
homepage.