@plenaryo.ph: Racism, violence at bullying. Ito ang tatlong bagay na inilatag ni PCG spokesperson Jay Tristan Tarriela sa harap ng mga eksperto mula sa iba't ibang bansa sa Manila Dialogue on the South China Sea. Ayon kay Tarriela, naglabas umano ang isang personalidad ng state media ng video kung saan tinawag na "monkeys" ang mga Pilipino. Dagdag pa niya, ngayong Hulyo, inatake ng Coast Guard ng naturang "external actor" ang mga Pilipinong sakay ng rubber boat sa Second Thomas Shoal gamit ang kutsilyo at palakol. Ikatlo rito ang paulit-ulit na pagbomba ng water cannon sa mga barko ng Philippine Coast Guard at sa mga bangkang kahoy ng mga mangingisdang Pilipino. Bagama't hindi direktang pinangalanan ni Tarriela ang China, malinaw na tumutugma ang mga insidenteng ito sa mga naging aksyon ng nasabing bansa. #WestPhilippineSea #ManilaDialogue #ASEAN #PCG #SouthChinaSea #BalitaPH #WPS #fouryourpage #fypシ゚ #ASEAN2026 #PHUSRelations

Plenaryo PH
Plenaryo PH
Open In TikTok:
Region: PH
Thursday 19 November 2026 01:20:23 GMT
5
2
0
0

Music

Download

Comments

There are no more comments for this video.
To see more videos from user @plenaryo.ph, please go to the Tikwm homepage.

Other Videos


About