@senatorbonggo: KUWENTONG MALASAKIT | Nagpasalamat si Sherelyn Tagudan kay Senator Bong Go matapos pagkalooban ng wheelchair ang kanyang 11-anyos na anak na si Sonjay Geruela na may cerebral palsy. Malaking tulong ito sa pang-araw-araw dahil dati ay kinakailangan niyang buhatin si Sonjay tuwing umaalis sila, kahit umuulan o mainit ang panahon. Labis din ang pasasalamat ni Sherelyn sa tulong na ipinagkaloob ni Senator Bong Go, lalo na’t kabilang din ang kanilang pamilya sa mga nasunugan sa Pasay City. Para sa kanila, ang simpleng handog ay nagbigay, hindi lamang ng ginhawa, kundi pati ng pag-asa at pakiramdam na hindi sila nag-iisa. #SenatorBongGo #MrMalasakit #BisyoAngMagserbisyo 🇵🇭👊