@mrcabanos: Nagulat ang mag-asawang sina Luiza Coelha da Cruz Aguiar at kanyang asawa nang may matagpuang buhay na pagong sa ilalim ng sahig ng kanilang bahay sa Itacajá, Brazil. Nakita ito ng isang trabahador habang inaayos ang bahagi ng sahig dahil sa problema sa tagas. Pinaghihinalaan nilang naisama ang pagong sa kargamento ng graba na ginamit sa paggawa ng bahay mahigit siyam na taon na ang nakalipas. Ayon sa mag-asawa, maliit pa ito nang mapunta sa ilalim ng sahig. Sa kabila ng mahabang panahon, nakaligtas ito dahil may kaunting hangin at halumigmig na nakakapasok sa ilalim. Source: What’s the Jam? - Stunned couple find live tortoise under flooring they laid 10 YEARS ago