@abantenews: Dinepensahan ni defense panel Spokesperson Atty. Michael Poa ang kanilang testigo na si Atty. Reiner Dela Fuente, matapos batikusin ng mga senator-judge dahil sa matapos na magbigay ng kanyang mga testimonya sa impeachment trial, inamin nito na hindi niya nabasa ang mga dokumentong pinagbabatayan nito, tulad ng kopya ng AMLC records, bank statements at iba pang mahahalagang dokumento. Inamin din ng testigo ng depensa na hindi niya nabasa nang buo ang forensic report ng testigo ng prosekusyon na si Atty. Alexander Cabrera. Paliwanag ni Atty. Poa, kung matatandaan noon naglabas ng testigo ang prosekusyon at kanilang kinuwestiyon kung bakit napunta sa 3rd party o testigo ang mga confidential document na dapat ay ang korte lamang ang may hawak nito. Ito aniya ang kanilang naging argumento noon na hindi dapat napupunta o binibigay ang confidential documents sa 3rd party kaya sa kanilang parte bilang defense ay hindi sila magbigay ng dokumento sa kanilang testigo. Bukod dito, sinabi ni Atty. Poa na nais din ng kanilang testigo na manatili ang pagiging independence nito at hindi aniya nakipag-communicate sa kanila si Atty. Dela Fuente . Sa parte naman aniya ng defense team, hindi sila nakikipag-communicate sa kanilang testigo kung ano ang sasabihin nito sa korte upang hindi sila masabihan na kino-coach nila ang witness. | via Jojo Sicat, Abante News
Abante News
Region: PH
Friday 20 November 2026 00:43:21 GMT
Music
Download
Comments
George Ramos :
😳😳😳😳😳😳
2026-11-20 01:23:12
0
To see more videos from user @abantenews, please go to the Tikwm
homepage.