@kiko.pangilinan: Ang agri-smuggling ay direktang tumatama sa sikmura ng ating mga kababayan. Kaya mahalagang matukoy kung saan nagkaroon ng pagkukulang, sino ang dapat managot, at ano ang mga konkretong hakbang upang maitama ang problema. Hindi sapat ang pagtukoy sa may sala. Dapat may pananagutan, may aksyon, at may solusyong magtatanggol sa kabuhayan ng ating mga magsasaka at kapakanan ng mga mamimili.