@loren_legarda: Kilala ang mga Pilipino sa galing sa pagkanta, pagsayaw, at iba't ibang larangan ng sining. Mula sa karaoke hanggang sa international stage, marami na tayong naipakitang talento at marami pa tayong kayang ipagmalaki sa pelikula, animation, disenyo, at iba pang creative industries. Gusto nating mas maraming Pilipino ang magkaroon ng pagkakataong gawing hanapbuhay ang kanilang talento kaya isinulong ko bilang author ang Republic Act No. 11904 o Philippine Creative Industries Development Act, na naisabatas noong 2022, upang suportahan ang ating mga artist, creative workers, at negosyong nasa industriyang ito. Malaki ang kontribusyon ng creative industries sa ating ekonomiya. Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), umabot sa ₱2.12 trilyon ang halaga ng creative industries noong 2025, katumbas ng 7.6% ng GDP ng bansa. May 8.71 milyong Pilipino rin ang nagtatrabaho sa sektor. Malaki ang potensyal ng Pilipinas na maging isang creative hub sa Asya. Sa tamang suporta, proteksyon sa mga likha, at mas maraming oportunidad, mas makikilala sa buong mundo ang talento ng Pilipino at mas maraming kababayan natin ang makikinabang sa paglago ng industriyang ito. #lorenlegarda #lingkodloren
Loren_Legarda
Region: PH
Monday 23 November 2026 04:20:27 GMT
Music
Download
Comments
TikTok SHOPPING MALL PH. :
...
2026-11-23 04:54:32
0
To see more videos from user @loren_legarda, please go to the Tikwm
homepage.