@abscbnnews: Manibela, 'Kamag-anak' nagkasabay sa LTO Nagkasabay sa harap ng tanggapan ng Land Transportation Office sa East Avenue, Quezon City ang mga miyembro ng transport group na MANIBELA at ang mga "Kamag-anak" na supporters ng vlogging family na "Ong Fam" nitong Lunes, Nobyembre 23. Nagmartsa ang MANIBELA bilang bahagi ng transport strike kontra sa umano’y pagpapalit ng liderato sa LTO habang ang mga Kamag-anak ay nakaabang sa inaasahang pagharap ni Geo Ong sa ahensya matapos ang inilabas na show cause order ng LTO laban sa vlogger dahil sa pagmamaneho ng motorsiklo nang walang helmet. | via Christopher Sitson, ABS-CBN News #abscbnnews #breakingnewsph #newsph