@edebreo: Alam mo ba na may dalawang paraan ang mga leaders para umiwas sa conflict? At pareho itong nakakasira ng communication sa team. Yung una, avoiding difficult conversations. May problema sa performance, may hindi pagkakaunawaan, may behavior na kailangang i-correct, pero hindi pinag-uusapan. Ang iniisip ng leader, "Ayokong magkaroon ng tension. Baka sumama ang loob. Baka lumaki lang ang problema." So, instead of addressing the issue, hinahayaan na lang. Hanggang sa lumaki ang problema, at maapektuhan na ang buong team. Yung pangalawa, avoiding disagreement. Ito naman yung leader na nagsasalita, nagbibigay ng instructions, pero hindi nagbubukas ng space para sa discussion. "Ganito na lang ang gawin natin." "Final na 'yan." "Wala nang debate." Minsan, hindi naman kailangang sabihin 'yan. Sapat na yung pagiging defensive, pag-interrupt, o pagpapakita ng pagkainis kapag may kumukuwestiyon. Eventually, natututo ang mga tao na manahimik na lang. At ito ang problema sa dalawang ito. Sa una, hindi napag-uusapan ang mga problemang kailangang solusyunan. Sa pangalawa, hindi naririnig ang mga ideya at concerns na kailangang pakinggan. Parehong nagreresulta sa poor communication, unresolved issues, at pagkawala ng trust. Tandaan mo, hindi sukatan ng magandang teamwork ang kawalan ng disagreement. Ang magandang teamwork ay yung kayang pag-usapan ang mahihirap na bagay, kayang makinig sa magkakaibang pananaw, at kayang magdesisyon at kumilos nang may respeto sa isa't isa. As a leader, your job is not to avoid conflict. Your job is to make difficult conversations productive. #leadership #communication #collaboration #conflict #conflictmanagement

ed ebreo
ed ebreo
Open In TikTok:
Region: PH
Monday 23 November 2026 23:44:58 GMT
215
10
0
1

Music

Download

Comments

There are no more comments for this video.
To see more videos from user @edebreo, please go to the Tikwm homepage.

Other Videos


About