@abantenews: APAT NA INDIBIDWAL SASAMPAHAN NG REKLAMO SA ILALIM NG ANTI-TERRORISM ACT Sasampahan ng reklamong paglabag sa Anti-Terrorism Act ang apat na indibidwal na kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya at umano’y nasa likod ng dalawang insidente ng pagpapasabog gamit ang improvised explosive device (IED) sa Metro Manila bago ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ayon kay PNP-CIDG Director Maj. Gen. Robert Morico II, patuloy pa nilang tinutugis ang sinasabing mastermind at iba pang kasabwat ng mga suspek. Mayroon umanong koneksyon ang mga ito sa isang grupo sa katimugang bahagi ng bansa na nagplano ring manggulo noong nakaraang SONA. I via Allen Ibañez, Abante News TV