@joey.sigue: #creatorsearchinsights #newsupdatesIPADI-DISMISS ANG ETHICS COMPLAINT Hihilingin ni Sen. Bato dela Rosa na ma-dismiss ang inihaing ethics complaint laban sa kaniya sa Senado, ayon sa kaniyang counsel na si Israelito Torreon. Pinasasagot ng Senate Committee on Ethics and Privileges ang senador matapos matukoy na “sufficient in form and substance” ang reklamo tungkol sa kaniyang “prolonged absence from official duties.” Nilinaw ni Torreon na ang naturang ethics complaint ay hindi nangangahulugang napatunayan nang lumabag si dela Rosa sa anumang patakaran sa Senado. Nanindigan ang kanilang kampo na walang hurisdiksyon ang Senate committee dahil wala umanong nilabag na Senate rule ang senador. Iginiit pa ni Torreon na hindi inabandona ni dela Rosa ang kaniyang posisyon dahil nananatiling bukas ang kaniyang opisina. Hindi lamang umano ito personal na dumadalo dahil sa banta ng pag-aresto at pagsuko sa International Criminal Court (ICC). #ATTYISRAELITOTORREON #senbatodelarosa #ICC