@acey08tiktok: MAS MALUSOG NA BATA, MAS MATATAG NA KINABUKASAN! PANOORIN: Dumating na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Philippine Multisectoral Nutrition Project (PMNP) Alagang Pinas Summit 2026 na gaganapin sa Clark, Pampanga ngayong Miyerkoles, Nob. 25, na naglalayong palakasin ang kampanya laban sa malnutrisyon at isulong ang mas maayos na kalusugan at nutrisyon ng mga batang Pilipino. Sa ilalim ng PMNP, binibigyang-diin ng programa ang kahalagahan ng unang 1,000 araw ng buhay ng isang bata sa pamamagitan ng mas pinalakas na suporta at serbisyong pangkalusugan at nutrisyon. Ipagtitibay rin ng summit ang pagtutulungan ng national government, mga ahensya ng pamahalaan, local government units, at iba pang stakeholders upang matiyak ang sapat na pagkain, serbisyong pangkalusugan, at iba pang pangangailangan ng mga bata. Ayon sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Council, mahalaga ang unang tatlong taon sa paghubog ng pag-unlad ng utak, pisikal na paglaki, at resistensya ng bata, isang mahalagang hakbang upang maiwasan ang malnutrisyon at pagkabansot. | via Clay Pardilla Presidentbongbongmarcos #marcosadministration #bagongpilipinas #highlights #PBBMSUPPORTER
Ms.Acey
Region: PH
Thursday 26 November 2026 01:59:02 GMT
Music
Download
Comments
There are no more comments for this video.
To see more videos from user @acey08tiktok, please go to the Tikwm
homepage.