@machediazmelendre: @Isko Moreno Isa na namang karangalan ang hatid ng ating Pamantasan ng Lungsod ng Maynila! Sa September 2026 Licensure Examination for Professional Teachers, nakapagtala ang PLM ng 198 bagong professional teachers. Mas mataas din sa national passing rate ang resulta ng ating pamantasan sa elementary at secondary levels. At hindi lang iyan, pasok din ang PLM sa Top 10 performing schools sa elementary level, sa kategoryang may 50 to 99 examinees at hindi bababa sa 90% passing rate. Congratulations sa ating mga bagong guro, sa mga faculty members at sa buong PLM community! Galing ng Batang Maynila. Galing ng PLM! #MakeManilaGreatAgain #AlertoManileño #IskoMoreno #BatangMaynila #Godfirstpilipinas