@not_chi2: STORY TIME HAHAHAHA! 🥹 (gusto ko lang ishare) Walang nakakaalam sa bahay na magte-take ako ng NAPOLCOM Exam. I guess, part of it was to avoid disappointment na rin, just in case things didn’t go as planned. As a fresh graduate, wala talaga akong pera. As in, iniisip ko pa kung saan ako kukuha ng pang-file ng exam at pamasahe papuntang Manila. Sa Manila kasi ako nag-take dahil nahihiya ako makasabay ang mga kakilala ko sa Region IV-A. kakahiya kasi makikita ako don tapos baka di ako pumasa hahahahaha nega yarn. Ilang beses din akong nag-isip kung paano ko pagkakasyahin ang pera ko, pero thankfully, kahit papaano, may mga taong naging support system ko throughout the process. Sobrang grateful ako sa kanila. Umabot pa sa point na bumale pa ako sa SK Chairman namin para lang may maidagdag sa pamasahe at pangkain. Thank you so much, Chairman! After the exam, another problem naman ang kinaharap ko paano ako makakauwi? Ilang beses akong nag-JoyRide papuntang terminal hanggang sa makarating ako ng Lipa. Pagdating ko don, ₱25 na lang ang natitira sa bulsa ko. Wala rin akong load (ios) kaya hindi ko alam kung paano ako makakauwi,ay be mangiyak ngiyak nako sa terminal non hahaha dinako mahihiya magkwento kasi dinaman kami mayaman lalo at dinaman ako nagsabi sa magulang ko hahahahaha Doon ko talaga na-realize kung gaano kahirap ang buhay, especially kapag nagsisimula ka pa lang at wala ka pang sariling income. Minsan, kahit simpleng pamasahe pauwi, kailangan mo pang pagkasyahin at ipagdasal. But then, habang kinakalkal ko ang bag ko, may nakita pa akong ₱20 sa coin purse ko. Grabe, napasabi na lang ako ng THANK YOU, LORD! Kasi sakto, may pamasahe pa ako para makauwi.🥹 At ngayon, after all those struggles, sacrifices, worries, and silent prayers… AT ALL BY HIS GRACE, NAKAPASA AKO!!! 🥺🙏🏻 Looking back, hindi lang pala ito tungkol sa pagpasa sa isang examination. It was also about faith, courage, perseverance, and learning to appreciate even the smallest blessings kaya THANKYOU LORD TALAGA!🥺🙏🏻 #fyp #napolcom

chi_aquino
chi_aquino
Open In TikTok:
Region: PH
Thursday 26 November 2026 14:17:24 GMT
596
43
0
0

Music

Download

Comments

There are no more comments for this video.
To see more videos from user @not_chi2, please go to the Tikwm homepage.

Other Videos


About