@jinggoyestrada_: PENSYON PARA SA LAHAT NG SENIOR CITIZENS! Isinusulong ni Senator Jinggoy Ejercito Estrada ang Universal Social Pension Act sa pamamagitan ng Senate Bill No. 71. Layunin nitong palawakin ang buwanang social pension upang mapabilang ang lahat ng senior citizens, anuman ang kanilang estado sa buhay o iba pang pension benefits na kanilang tinatanggap. Sa loob ng limang taon, itinatakda ng panukala na lahat ng senior citizens ay makatatanggap ng hindi bababa sa ₱1,000 buwan-buwan. Dahil ang ating mga nakatatanda ay nararapat sa seguridad, suporta at dignidad. #JinggoyEstrada #UniversalSocialPension #SeniorCitizens **** POSTED BY ADMIN ****