@balitaphl: PANOORIN: Tila hindi nakapagtimpi si Sen. Robin Padilla sa ikinasang pagdinig ng Senado para sa proposed 2027 budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na umabot bandang madaling-araw nitong Sabado, Nobyembre 28, 2026. Batay sa naging pagkuwestiyon ni Padilla sa sponsor ng budget ng DPWH na si Senate Committee on Finance Chairperson Sen. JV Ejercito, pinunto niya ang tungkol sa isang proposed project na North Luzon East Expressway (NLEE) noon pang 2007 na hindi pa rin daw nagagawa hanggang sa kasalukuyan. Ani Padilla, proyekto umano ito ng pribadong kompanya na Ausphil Tollways Corporation na may pondong aabot sa mahigit ₱15.10 bilyon. Urirat ng senador, ano raw kaya ang nangyari dito kung bakit hindi pa ito nasisimulan at wala pa ring notice of receipt sa kabila ng pagkakaroon nito ng approval at mga award Paliwanag ni Ejercito, “Naipasa na po natin ‘yong PPP, ‘yong public-private-partnership. Kaya lang po, meron po siyang mga legal issues.” Dagdag pa ng Finance Committee chief, “Una ‘yong approval ng appropriate body under the PPP law. Tapos ‘yong enforceability ng executed…” Simula rito, tila tumaas na ang tensiyon mula kay Padilla at idiniin niyang may humihingi umano kasi ng pera bago masimulan ang naturang proyekto. “Bakit po kaya may toll concession agreement kung may problema pa? Kasi ang balita ko po dito, may isang—total madaling araw na, magdiretsahan na tayo—may humihingi po kasi ng pera dito,” ani Padilla. “Huwag na po tayong maglokohan. Mainit na ulo ko, e. Umaga na!” pagtataas pa niya ng boses. Pagpapatuloy ni Padilla, may isang indibidwal aniya ang humihingi ng halagang ₱100 milyon para masimulan ang hindi pa natutuloy na proyekto. “₱100 milyon ang hinihingi dito para lang ipasa! Talaga bang maglolokohan na lang tayo dito? PPP ito, walang gastos ang gobyerno dito! Maawa kayo sa mga taong nababaha! Ano bang legal na problema? Binigay na nga lahat!” tirada niya. Paliwanag naman Ejercito, batay umano sa mga opisyal ng DPWH, hiningan daw nito ang PPP center na in-charge sa mga ganitong proyekto ngunit sinabi ng huling ahensya na wala umanong approval ang naturang proyekto mula sa kanila. Kalaunan, humiling muna ng suspensyon ng pagdinig si Padilla bandang mga 1:00 ng madaling-araw nitong Sabado sa naturang pagdinig. #News #NewsPH #FYP #Balita

Balita
Balita
Open In TikTok:
Region: PH
Saturday 28 November 2026 05:00:00 GMT
21035
612
92
45

Music

Download

Comments

dens4960
dens🇨🇦🇵🇭 :
bkit hnd mo sabihin sino?
2026-11-28 07:23:51
7
noimeeugenio631
Noime Eugenio631 :
ganyan ba ang senador haaay nako
2026-11-28 08:49:10
3
criserdap23
⧏ᚑ꯭✤͟͟͟ᚘ̲♀️̲͟ᵏⁱˡˡᵘᵃ♀️̲͟ᚘᚔ꯭꯭ࣻᜳ► :
asan na Yung code of ethics🤣🤣🤣
2026-11-28 06:12:26
11
luning.ning.mani
Luning Ning Mani :
Galing nyo po Sen Robin
2026-11-28 08:05:39
7
henryguerrero690
Ms velma :
wow okay 🤢🤢🤢🤢🤢🤢🤢🤢🤢🤢🤢👍👍👍👍👍👍👍👍👍👍👍👍👍👍😎
2026-11-28 13:52:24
1
feyfeyfeyfey29
Feyfey from Singapore 🇸🇬 :
puro SIGAW...pangalanan mo.
2026-11-28 08:30:26
3
ahadgomogoya
Mangoda :
Good Job Idol Robin💯🫡
2026-11-28 05:51:07
13
rubybernal73
Twinkle star :
bakit ka sumisigaw
2026-11-28 08:02:43
1
william.john.tapa5
william john tapales :
tamimi ang tulfo brotjer tahimik ahhhh🤣🤣🤣🤣
2026-11-28 08:25:01
1
victoriabrazas921
Victoria Brazas :
ano na ng yari sa senado parang scene lag sa pelikula😂😂
2026-11-28 08:28:04
3
chris.a..abe
Chris A. Abe :
sigawan mo din idol yung mag tatax s kape ..tyaka yung namigay ng car s baranggay
2026-11-28 07:05:12
1
joeclark3788
joe clark :
DPWH pera jan talaga alam ng taong bayan yan
2026-11-28 06:54:33
3
jack_sparrow0623
jack_sparrow0623 :
IPA ethics na yan
2026-11-28 07:30:52
3
josejoeyjiongco
josejoeyjiongco :
sabihin kung sino manghingi
2026-11-28 07:54:35
2
saintsinner01
saintsinner :
wala talaga pati dto daming bayaran.. 😂
2026-11-28 10:28:28
2
evo.nandez
Evo Nandez :
Ito na ang astig ng Senado😂😂😂
2026-11-28 12:21:53
1
kojiesantos636
kojiesantos636 :
that's my idol👊👊👊👊
2026-11-28 10:18:11
1
roelgabrelsant
Lories :
Ayaw nila ibigay Kasi Gusto naman nila E-Bulsa ng mga Buwaya sa Gobyerno.
2026-11-28 13:01:18
1
me._0921
its me! :
parang nasa pelikula lngsi senator ah
2026-11-28 12:58:02
1
dizonabejo
dizonabejo :
bigyan mo na
2026-11-28 09:28:55
1
arturo.lopez0094
Arturo Lopez :
sigawan mo din
2026-11-28 07:09:43
2
userzenarosa
Albert paming Philippines :
pwede ba pangalanan kong sino
2026-11-28 08:29:37
1
driverseat1
Driverseat :
hahaha Sabihin mo kung sino
2026-11-28 09:32:29
0
hughgotme
onlyhugh :
20 yrs na hindi pa nasimulan... juskopooooo
2026-11-28 12:16:26
1
mahdyfilth
ɢɛɖɨօռ (ʍǟɦɖʏ) :
code of ethics? about 100 million 😳
2026-11-28 10:37:53
1
To see more videos from user @balitaphl, please go to the Tikwm homepage.

Other Videos


About