@balitaphl: Tiniyak ni Sen. Robin Padilla sa publiko na wala raw siyang papanigan sa Senate impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kahit na itinuturing niya na isa siyang pusong “Rodrigo Roa Duterte.” Kaugnay ito sa napipintong tila magkasabay na pagdinig sa impeachment trial laban kay VP Sara at ng International Criminal Court (ICC) naman laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na linggo. Batay sa naging pahayag ni Padilla sa panayam sa kaniya ng media, na ini-livestream din naman niya sa kaniyang Facebook page, nitong Sabado, Nobyembre 28, 2026, idiniin niyang wala umano siyang papanigan sa nagaganap na paglilitis sa Senado. “Naku… Pagdating sa impeachment [trial], dapat tayo po ay walang pinapanigan diyan,” pagsisimula niya. Ayon pa sa senador, “Kahit na ang puso ko po’y Rodrigo Roa Duterte, pagdating diyan sa impeachment ay wala po tayong pinapanigan diyan.” Ani Padilla, mananatili raw nakabatay sa mga ebidensiyang inilatag sa impeachment trial ang kaniyang magiging desisyon sa panahon ng kanilang verdict laban sa bise presidente. “Kung ano po ang ebidensya, kung ano ang nilatag doon, ay iyon po ang ating dedesisyunan,” aniya. Pagpapatuloy pa ni Padilla, mas nakatuon daw siya para kay FPRRD dahil ito ang nasa labas ng bansa at hawak ng mga dayuhan. “Siguro mas iniisip ko po ‘yong kay Tatay Digong. Mas doon po ako nakatuon. Sapagkat si Tatay Digong po ay nasa ibang bansa, nasa kamay ng mga dayuhan. Mas apektado ako doon,” pagtatapos pa niya. Kaugnay nito, nakatakda nang magsimula ang trial ng ICC laban kay FPRRD simula sa Lunes, Nobyembre 30, 2026, hanggang Biyernes, linggo-linggo. Habang nakatakda namang magpatuloy ang Senate impeachment trial laban kay VP Sara sa darating na Martes, Disyembre 1, 2026. #News #NewsPH #FYP #Balita #SaraDuterte #Impeachment

Balita
Balita
Open In TikTok:
Region: PH
Saturday 28 November 2026 14:00:00 GMT
425
27
1
0

Music

Download

Comments

573may
🥰🥰🥰 Loi 💚💚💚 :
💚💚💚
2026-11-28 15:09:06
0
To see more videos from user @balitaphl, please go to the Tikwm homepage.

Other Videos


About