@joanriberaltacud: Paano gawing MALAMBOT ang PUSIT? Igisa ang bawang, sibuyas, luya, naubos and luya ground pepper at toyo sa tamang dami ng oil. Ilagay ang ating pusit at igisa ito ng 30 seconds on a consistently high heat. (Huwag na huwag maglalagay ng water kasi magtutubig yang pusit jaan.) Ihalo-halo for about one minute tapos takpan ng mga one minute. Hanguin ang pusit para mas madaling magevaporate pa yung sabaw niya. Hindi kasi pwedeng pakukuan ng matagal ang pusit sa tubig. Pwede kayong magdagdag ng kaunting sugar. Isa pang sikreto-- dried oregano leaves. Pag mejo malapot na ibalik ang pusit tas haluin ulit ng one minute. Then, tadaaa, okay na yan. Super kapit ang lasa at malambot na pag kinagat mo ay crackly or crunchy. #pusitrecipe #adobongpusit #reelsvideo