@kuyangorganista: GALIT KAYO SA INC? Galit kayo kasi natatrapik kayo? Galit kayo kasi hindi kayo makapasok sa trabaho o paaralan dahil sa rally? Ang totoo... Ang INC ngayon ang pumuno sa Edsa dahil hindi nyo nagawa.. kaya galit kayo. Ang INC ay natatrapik din kapag may rally kayo pero hindi ngumangawngaw ang mga kapatiran. Ang INC umabsent din sa trabaho para manindigan sa panig ng mga Pilipino. Ang INC ay sumisigaw para sa mga biktima ng baha dahil sa ninakaw na pondo ng flood control ng mga kawatan sa gobyerno, bakit hindi nyo ba kayang tumayo at tumindig katulad ng Iglesia? Kapag may baha, puro 'sad react' lang ang kaya nyong gawin sa social media at may kasama pang 'pray for ____" pero hindi nyo maipakita ang tunay na pagdamay nyo sa mga kababayan natin biktima ng rumaragasang tubig dahil sa substandard at ghost flood control project. Konting trapik reklamo na kayo eh INC nga ang muling lumabas para papanagutin ang mga magnanakaw ng pondo. Anong tawag sa inyo? Galit kayo? Eh katarungan para sa mga Pilipino ang nakataya dito. Anong pinaghuhugutan ng galit nyo? Kasi nga INC ang gumawa ng pagkilos kahit nasa minority at kayo sa sobrang dami niyo wala kayong maiparinig na boses ng pagtutol kontra sa mga tiwali, baka nga kakampi nyo pa sila eh...kaya galit kayo... WE ARE ONE๐๐ป๐ฎ๐น๐ต๐ญ๐ช๐ป #viraltiktok #fypใทใ #viral