@gmanews: PANOORIN: Napinsala ang dalawang sasakyan at dalawang bahay matapos matabunan ng lupa at mabagsakan ng mga puno ang bahagi ng Jungletown, Brgy. Virac, sa Itogon, Benguet. Apektado ng landslide ang dalawang pamilya na kasalukuyang nakikituloy sa mga kakilala habang hindi pa tiyak ang kaligtasan sa lugar. Patuloy naman ang clearing operation ng mga awtoridad. | via Sendee Salvacio/GMA Regional TV One North Central Luzon #GMANews