@d8tvnews: PANOORIN: Kulang sa kinakailangang koordinasyon ang grupo ni MILF Commander Lungga na hinarang sa isang checkpoint ng pulis at militar sa Lanao del Norte. Ayon kay PNP Spokesperson, Col. Allen Rae Co, isang convoy na kung saan ang karamihan sa mga sakay nito ay armado ng matataas na kalibre ng baril ay naglakbay mula sa Lanao del Sur patungo sa isang pagtitipon sa kuta ni Commander Bravo ng MILF patawid sa nasabing lalawigan. Walang naiulat ang PNP na karahasan o masamang intensyon nang maganap ang checkpoint. I via Allen Ibañez, D8TV News #fyp #D8TV #d8tvnews