@bloggerngbayan: MODERNIZED BORDER SECURITY sa BAGONG PILIPINAS Sa panahon ngayon dapat priority ang seguridad sa ating mga ports at paliparan. At para maisakatuparan ito, kailangan maging modernized ang technology pag dating sa ating borders security. Hindi sapat na may e-gate tayo. Ang e-gates ay isang component lamang. Parang cellphone, kapag hindi updated, kapag walang data, kapag walang battery, hindi magagamit ang full capacity Dyan papasok ang CAISS. Ang CAISS ay magiging command center pagdating sa ating borders security. Ang CAISS o Civil Aviation and Immigration Security Services ay isang panukalang Public-Private Partnership (PPP) na proyekto na pinamumunuan ng Bureau of Immigration. Ang objective ng CAISS ay pagdugtungin, palakasin, at gawing mas functional ang existing border-security infrastructure. Isipin n’yo ang CCTV. Kahit marami kang camera, kung walang command center, monitoring system, at mabilis na response mechanism, limitado pa rin ang seguridad. Ganoon din ang CAISS. Hindi nito kailangang palitan o doblehin ang existing technology. Ang layunin nito ay pagdugtungin at palakasin ang mga sistema, impormasyon, identity verification, at koordinasyon ng mga ahensiya ng gobyerno. At sa harap ng mga insidenteng nagpapakita ng posibleng kahinaan sa ating borders, mahalagang matukoy ang mga puwang at maitama ang mga ito bago pa maulit ang parehong problema. Sa huli, ang tunay na sukatan ng CAISS ay isang mas modernong immigration process, mas maayos na koordinasyon ng mga ahensiya, at mas matatag na border security. Ang CAISS ay hindi duplication, Ito ay modernization. Hindi lang teknolohiya ang pinapalakas—kundi ang kakayahan ng gobyerno na protektahan ang bansa tungo sa isang Bagong Pilipinas. #CAISS #PBBM #securiport #BureauOfImmigration #viraltiktok
Blogger ng Bayan
Region: PH
Tuesday 06 October 2026 07:21:54 GMT
Music
Download
Comments
Marjorie Taotho :
hello
2026-10-07 02:48:00
0
Marjorie Taotho :
hello
2026-10-07 02:48:20
0
To see more videos from user @bloggerngbayan, please go to the Tikwm
homepage.