@abantenews: “Kung ganyan isara na natin ‘yung golf course kung lugi pa tayo sa pandilig.” Kinuwestiyon ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson ang operasyon ng mga golf course sa ilalim ng Department of National Defense (DND), kasunod ng ulat kaugnay ng kita at gastusin nito. Batay sa ulat, aabot sa ₱2.5 bilyon ang inaasahang kita ng operasyon, habang tinatayang ₱2.9 bilyon naman ang kabuuang gastusin dito.